PILOSOPIYANG PANG-EDUKASYON-
REKONSTRUKSYONISMO
Ang Rekonstruktibismo ay isang teoryang pilosopikal na naninindigan na ang lipunan ay dapat patuloy na nagbabago upang makapagtatag ng isang perpektong pamamahala. Ito ay isang pilosopikal na kilusan sa larangan ng Edukasyon na tinagurian din na Social Reconstructionism. Ito ang pilosopiya na nagbibigay-diin sa pagtugon sa mga katanungang panlipunan, maiparating ang mga hinaing at reporma upang makabuo ng isang maunlad na komunidad at pandaigdigang demokrasya. Ang mga reconstructionist educators ang nagbibigay-tuon sa kurikulum na magtatampok ng pagbabago sa lipunan na siyang pinakaadhikain ng edukasyon. Pinaninindigan ng mga tagapagtaguyod ng Teoryang Rekonstruktinismo na ang lipunan ay dapat patuloy na nagbabago upang makapagtatag ng isang perpektong pamamahala.
Si Theodore Brameld (1904-1987) ang tagapagtatag ng teoryang social reconstructionism, bilang reaksyon nito laban sa realidad na dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil nga sa impluwensiya ng pilosopiya sa edukasyon ni John Dewey, hinimok niya ang mga paaralan na maging mabisang puwersa para sa panlipunan at politikal na pagbabago. Sa kaniyang pagtuturo, tinatanggap niya ang pagpapalitan ng argumento at debate sa loob at labas ng klasrum. Si George Counts ang malalim na nakaimpluwensiya kay Brameld na tagapagtaguyod ng progresibong kilusang edukasyon ni John Dewey.
Naniniwala rin ang mga reconstructionist na dapat sanayin ang mga mag-aaral na maging aktibista ayon sa tradisyon nina Gandi, Marrtin Lutehr King, Ralph Nade & Jesse Jackson. Maipamalas ang kaisipang pangdemokrasya. Binibigyang-diin nito ang mga mahahalagang suliranin at isyung panlipunan at. Sanayin ang mga mag-aaral na magkaroon ng bahagi sa pagtulong sa mga isyung ito. Ang pagtuturo ay nakasentro sa pagtataguyod ng komunidad. Ang pagpapaunlad sa kalidad ng pamumuhay ay nakabase sa kagandahang asal. Ginagamit ang estratehiya sa pagtuturo katulad ng kooperatibong pagkatuto, paglutas ng suliranin, kritikal na pag-iisip, pagbibigay-tuon sa aktibong pagkatuto at mga gawain sa labas ng klasrum, pag-aanalisa sa pananaliksik at pag-uugnay sa mga isyu sa komunidad o lipunan, at pagsasagawa ng aksyon o pagtanggap ng responsibilidad sa pagpaplano para sa pagbabago. Ang guro ang siyang nagiging gabay ng mga estudyante upang maiparating ang kanilang mga hinaing sa mga isyu ng pamayanan o bansa . Nagiging gabay din ang guro upang matimbang ang mga posibleng resulta ng mga aksyong gagawin. Tungkulin din ng guro na makapagpakita ng mga alternatibong solusyon at makuha ang kanilang suhestiyon. Inaayos ang silid aralan sa paraang hindi naayon sa kasarian o lahi.
Ang mithiin ng Rekonstrusyanismo na mag-initiate ng pagbabago ay naging kontrobersyal. Dahil dito ang rekonstruksiyanismo ay hindi masyadong naramdaan sa mga paaralan. Sapagkat naging katanungan kung dapat bang ang mga paaralaan ay maging kasangkapan upang magtatag muli ng lipunan. Naging katanungan din kung marapat bang ang mga mag-aaral na nasa kahit anong gulang ay nasa intelektuwal at sosyal na maturiti upang lumahok sa mga kilusang panlipunan. Maganda ang adhikain ng rekonstruksyanismo sa edukasyon ngunit maaaring sumobra o maabuso ang adhikaing into na humahantong sa pagiging agresibo ng mga mag-aaral at sa halip na maging “agent of change” ay nagiging isa sa mga suliranin ng lipunan. Ganoon pa man, katulad ng ibang pilosopiyang pang-Edukasyon bagamat may kahinaan, may kontribusyon naman ito sa umiiral na kurikulum.

Comments
Post a Comment