Pilosopiyang Perenyalismo
Nagsimula ang pilosopiyang ito noong mga dekada70. Ang mga tagapagtaguyod ng pilosopiyang ito ay sina Rolect Maynard Hutchins, Martimer Adler, at Jacques Maritain. Nakasalig ito sa pilosopiya nina Plato, Aristotle, at Thomas Aquinas. Ang pilosopiyang ito ay lubos na tumitingala sa mga karanasan, malalimang pagtalima sa nakaraan kaysa sa hinaharap. Itinuturo ang mga matagal nang kinikilalang kurikula tulad ng mga huwarang sina Plato at Aristotle. Layunin nitong malinang ang intelektuwal at moral na katangian ng mag-aaral. ang pagtuturo ay nakasentro sa guro. Tinitiyak na ang mga mag-aaral ay makakakuhang pag-unawa tungkol sa dakilang ideya ng kanlurang sibilisasyon. ang layunin nito sa edukasyon ay upang paunlarin ang kasanayan sa pag-iisip, isaloob ang mga unibersal na katotohanan at tiyakin na ang mga mag-aaral ay makakakuha ng pang-unawa tungkol sa mga dakilang ideya ng Kanlurang Sibilisasyon. Ito ang pinakakontrobersyal o nakabaluktot na pilosopiya. Bilang pamamaraan ng pagtuturo, gumagamit ang guro ng kasaysayan, relihiyon, panitikan, at tuntuning pang-Agham upang mapatibay ang mga pandaigdigang ideya na may potensyal na malutas ang anomang suliranin sa anomang panahon. Maraming oras sa pagtuturo sa mga konsepto. ang mga estratehiyang ginagamit ay tanong-sagot, pagsasaulo, pagbabaybay, lapis at papel na pagsusulit, at estandardisadong pagsusulit. kinakailangang alam ng guro ang lahat ng sagot, siya ang bukal ng kaalaman.Ang mga mag-aaral ay pasibong tagapakinig lamang.

Comments
Post a Comment