Esensyalismo
Ito ay edukasyong pilosopiya ng pagtuturo ng mahahalagang kakayahan. Itinataguyod ng pilosopiyang ito ang pagsasanay ng kaisipan. Binibigyang-diin ng mga esensyalist ang paglilipat ng pagkakasunod-sunod ng pag-unlad ng mahihirap na paksa at pag-unlad ng mga mag-aaral sa mas mataas na baitang o grado. Ang mga asignatura ay nagbibigay-diin sa konteksto ng kasaysayan at kultura, at malalim na pagpapaunawa sa kasalukuyan. Ang pilosopiya ay nagbibigya-tuon sa kaalaman sa pagbasa, pagsulat, matematika, siyensya, kasaysayan, mga banyagang wika, at teknolohiya. Ang pamamaraan sa pagtuturo ay pagmemorya, pagpapaulit, pagsasanay, pakikipanayam, at pagtataya. Si Willaim C. Bagley (1874-1946) ang pinakamaimpluwensiya na tagapagtaguyod ng Esensyalismo. Naniniwala si Bagley na sa pamamagitan ng Edukasyon mapananatili ang mabuting kalagayan ng lipunan hindi paraan upang baguhin ito.

Comments
Post a Comment